1,120 preso sa Region 1, makakaboto na sa 2013 mid term election

Makakaboto na ang mahigit 1,120 na mga preso ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 1 para sa nalalapit na May 2013 mid-term elections.

Ito ang naging pahayag ni Senior Inspector Adorante Gonzalo, head ng BJMP Community Relation Service sa Region 1,

Sinabi ni Gonzalo na nakapagvalidate na  ang mga peso ng kani-kanilang mga pangalan sa Commission on Election bago ang itinakdang deadline ng registration noong Oktobre 31, 2012.

Inihayag naman ni Gonzalo na ang bilang na 768 mga preso ay mula sa Pangasinan, 164 mula Ilocos Norte at 144 naman ang mula La Union at 44 mula naman sa Ilocos Sur. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*