Farm to market road, kasalukuyang isinasagawa sa bayan ng San Nicolas

Kasalukuyang isinasagawa ngayon ang dalawang kilometrong farm to market road sa Barangay Dalumpinas sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan.

Ayon kay dating konsehal Juanito Mendoza ng nasabing barangay, ngayon pa lamang itinuloy ang naturang konstruksyon dahil narin sa inisyatibo ni Vice Mayor Raymond Prestoza.

Sinabi naman ni Mendoza na inaasahan nilang matatapos ang naturang farm to market road bago matapos ang taong kasalukuyan.

Samantala, kasabay ng proyektong ito, isa pang konkretong tulay ang ginagawa sa naturang barangay sa pamamagitan parin ng inisyatibo ni Vice Mayor Prestoza na inaasahang magbibigay kaluwagan sa mga residente. (Report from Jun Dumlao – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*