78 kabataan na may mga nagawang paglabag sa batas, kinakalinga ng DSWD Region 1

Umabot na sa 78 ang bilang na mga kabataan na nasa kustodiya na ng Regional Rehabilitation Center for Youth na may mga nilabag na batas.

Ayon kay Irene de los Reyes, Public Information Officer ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD Region 1, karamihan sa mga ito ay galing sa Pangasinan at karamihan ay sangkot sa kasong acts of lasciviousness, theft at robbery.

Aminado si De los Reyes na nakakaalarma na ang naturang bilang.

Alinsunod sa Republic Act o RA 9344 o Juvenile Justice Welfare Act, ang mga kabataan na nasa gulang 18 pababa na nakagawa ng paglabag sa batas ay hindi maaaring makulong kundi sila ay ilalagay lamang sa kustodiya ng DSWD.

Pinanindigan ni De los Reyes na dapat maging responsible ang mga magulang ng mga ito upang hindi mapariwara ang kanilang mga anak at hindi na madagdagan pa ang bilang ng nasa kustodiya ng nasabing ahensiya. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*