BJMP Balungao, nakatutok sa kanilang physical development

Mas maaliwalas na ngayon ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa bayan ng Balungao, Pangasinan dahil umano sa pagtutulungan ng mga preso sa naturang bayan.

Ayon kay BJMP Jail Warden Constantino Sison III, malaki ang naging suporta ni Mayor Phillip Peralta at mga karatig bayan sa pagsasagawa ng kalinisan sa naturang lugar na bahagi ng Physical Development ng BJMP.

Dagdag pa ni Sison, panahon na upang maiba ang kalagayan ng mga preso at tinitirhan ng mga ito na tinatawag nila na “humane safe keeping”, dahil ito ang nagki-cater ng malaking bilang ng mga preso mula sa ibat-ibang distrito ng Pangasinan.

Sa katunayan, bilang suporta sa final development ng BJMP ay nagbigay rin ng P100,000 ang Congresswoman ng distrito na si Marlyn Agabas para maging maayos lalo na ang Multi Purpose Hall nito. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*