Dagupan City, kampeon sa katatapos lang na PRISAA 2012 Regional Meet

Nagkampeon ang lungsod ng Dagupan sa kakatapos lang na Private Schools Athletic Association o PRISAA 2012 Regional Meet sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Sa kasaysayan umano ng PRISAA ay palagiang nasa unang hanay ang lungsod ng Dagupan para sa kampeonato, sumunod rito ang San Carlos City at pumangatlo ang Laoag City.

Sa mahigit labinlimang taon ay palaging nanalo ang lungsod ng Dagupan sa Regional Level, kayat isang malaking hamon na ulit ito sa koponan ang mag-ensayo para sa National Meet

Matagal na umanong pangarap ng Dagupan Team na mag-kampeon naman sa National Level. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*