Drug testing sa mga motorista, mahigpit nang ipatutupad ng LTO- Dagupan

Tuluyan nang ipinatupad ng Land Transportation Office (LTO) Dagupan ang drug testing para sa mga motorista sa lungsod para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at maging ang mga driver.

Ayon kay Serafin Cancho, LTO Officer ng Dagupan, sa nakaraang buwan ay marami nang dumaan sa proseso para sa drug test kung saan may naitala ang tanggapan ng isang kaso ngunit itoy hindi sakop ng lungsod.

Kaya naman paalala ng LTO, na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para sa nasabing drug testing, gayunpaman ay upon renewal ang nasabing pagsusuri.

Samantala, may tinatayang labin limang mga affiliated drug testing centers/ clinic na certified at authorized ng Department of Health para magsagawa ng drug testing sa lungsod. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*