Eco-friendly brick na ginamitan ng mga patapong plastic, napapakinabangan sa Alaminos City

Nakagawa ng isang alternatibong eco-friendly brick ang lungsod ng Alaminos na gawa sa mga patapon nang plastic o mga nagamit nang mga plastic.

Ayon kay General Service Officer at City Engineer Ismael Najera, naging aktibo ang kanyang opisina sa alternatibong konsepto sa paggawa ng bricks upang ipakita ang pagpapahalaga sa kapaligiran alinsunod sa batas na tinatawag na Ecological Solid Waste Management Act or Republic Act No. 9003.

Malaki na umano ang naging ambag ng naturang proyekto sa lungsod kung saan nakapamigay na sila ng mga yaring brick sa ilang mga pampubliko at pribadong eskwelahan.

Dagadag pa ni Najera na nakagawa na rin sila ng pathways sa mismong lungsod ng Alaminos at maging ang GK Eco Village sa lungsod ay nakinabang na umano rito.(dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*