Fish grower sa Dagupan, ipaalalahanan na huwag mag over-feed

Nagpaalala ang City Agriculture Office para sa mga fish growers sa lungsod ng Dagupan na huwag pilitin ang pagpapalaki ng mga isda o ng bangus para lang umabot sa panahon ng kapaskuhan.

Sinabi ni Emma Molina, City Agriculturist ng Dagupan na huwag mag over feed sa mga alagang bangus dahil hindi ito makagaganda sa natural growth ng mga isda.

Dagdag pa ni Molina na ang pag-oover stock rin ng mga alagang isda ay hindi rin maganda lalot hindi kalakihan ang mga ponds sa lungsod.

Aniya, may posibilidad na mangamatay ang mga isda dahil sa over crowding na kung nakukulangan ng oxygen sa ilalim ng tubig dahil sa dami ng konsumo ng mga isda. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*