Kita ng mga magsasaka sa bayan ng Sta. Barbara, umangat

Umangat ng kita ng mga magsasaka sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan, dahil narin sa mga programang pang agrikultura sa bayan.

Batay sa ulat ni Mayor Carlito Zaplan, isa sa nakapagdulot ng magandang kita ng mga magsasaka sa lugar ay ang mga isinagawang farm to market road kung saan umaabot sa mahigit 23 milyong pisong pondo ang inilaan dito ng lokal na pamahalaan.

Malaking tulong din umano ang murang bayad sa serbisyo ng dalawang traktora na pagmamay-ari ng munisipyo dahil nabawasan ang gastusin ng mga magsasaka at maidadag pa ito sa kita ng mga magsasaka.

Ibinida pa ni Mayor Zaplan sa kanyang ulat na nakakatulong din sa pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka ang mga programang, pagpapa-unlad ng Maisan (Corn Production), pagpapa-unlad ng Gulayan (Vegetable Production) at ang pagpapa-unlad ng Pag-hahayopan (Poultry and Livestock Production). (Report from Lryna Hernandez – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*