Limampung certified librarian, kailangan ng CHED Regional Office 1

Nangangailangan ngayon ang Commission on Higher Education (CHED) Regional Office ng limampung sertipikadong librarian para sa Region One.

Sinabi ni Ched Region I Director Caridad O. Abuan na kailangan nila ng certified librarians para sa tertiary academic institutions sa rehiyon dahil base sa pagsisisyasat ng ahensya ay may ilang mga librarians umano na hindi sertipikado sa posisyon.

Ayon sa tala ng CHED, may mahigit siyam na libong librarians lamang meron ang bansa at 20% dito ay nagtatrabaho pa umano sa ibang bansa.

Hinihikayat ngayon ng CHED ang mga mag-aaral na kumuha ng kursong Bachelors Degree in Library Information Science para mapunan ang kakulangan sa nasabing posisyon.

Kabilang naman sa mga may offered courses dito sa Pangasinan ay ang Urdaneta City University (UCU), Panpacific University of Northern Philippines (PNUP) at Virgin Milagrosa University Foundation (VMUF) sa lungsod ng San Carlos. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*