Mga batang dagupenyo na nag-uwi ng medalya mula sa Karate International Competition, pinarangalan ng SP

Pinarangalan ng Sangguniang Panglungsod ang apat na batang karatista ng Dagupan dahil sa nakuhang gintong medalya mula sa isang International Competition.

Pinangunahan ni Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez ang pamimigay ng plaque of commendation kay Francis Augustine Zabala, Gabriel Amadeo Valenzuela, Christine Zapata at John Enrico Vasquez, kasama ang kanilang trainer  na si Alejandro Enrico Vasquez, ang National President of the Philippine Karatedo Federation ng Pangasinan.

Pinasalamatan naman ni Alejandro Vasquez ang ibinigay na pagkilala ng local government dahil isa umanong karangalan ang makapagbigay ng tagumpay sa lungsod ng Dagupan.

Ang mga batang karatista ay nagwagi sa katatapos na Shinwa Kai International Competition na naganap sa bansang Singapore kung saan nasungkit ni Christine Zapata ang gold at bronze medal. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*