Mga guro sa Dagupan, sumailalim sa General First Aid at Basic Life Support ng CDRRMC

Sumailalim sa isang pagsasanay ang mga guro sa lungsod ng Dagupan, ito ay ang General  First Aid at Basic Life Support na pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) Dagupan.

Sa naturang pagsasanay, itinuro sa mga guro kung paano gamitin ang Automated External Defeedrelator o AED isang electronic device na automatikong na nadadiagnose ang atake sa puso at cardiac arrest.

Ayon kay Arleen Agpoon, Team Leader ng CDRRMC Dagupan, epektibo ang naturang training o kasanayan para sa mga guro dahil magamit nila ito sa kani-kanilang mga klase at maibahagi ang kaalaman sa kanilang mga estudyante.

Idinagdag pa ng CDRRMC na hangad nila na maging responsible ang mga guro sa pagsagip sa mga nangangailangang mag-aaral kung sakaling may agarang sitwasyon. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*