Official website ng Puto Calasiao, inilunsad

Nailunsad na ang matagal nang plano ng pamahalaang lokal ng bayan ng Calasiao, Pangasinan ang kanilang official website na www.putofestival.com.

Bahagi umano ito sa nalalapit na kapistahan ng Calasiao ngayong buwan ng Disyembre kung saan magsisilbi itong daan para mas lalo pang makilala ang Puto Calasiao hindi lamang dito sa bansa kundi sa buong mundo.

Itinaon umano ang kapistahan ng bayan sa pagdiriwang ng kapaskuhan dahil sa pagdagsa ng mga mamimili sa pinakasikat na produkto ng bayan, ang Puto Calasiao, na hindi nawawala sa handaan ng bawat tahanan dito sa lalawigan dahil sa angkin nitong sarap.

Samantala, inihayag naman ni Mayor Mark Roy Macanlalay, na magiging maganda ang kanilang selebrasyon ngayong taon dahil kabibilangan ito ng mga magagandang presentasyon tulad ng pinakamalaking puto at pandayan marker, puto mosaic, street party at street dancing competition. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*