Pagkakabilang ng Pangasinan sa “areas of concern” hindi ikinagulat ng Regional Police Office

Hindi ikinagulat ng Regional Police Office ang pagkakabilang ng lalawigan ng Pangasinan sa mga itinuturing na “areas of concern’ sa buong bansa.

Sa katatapos lang na Safe Election 2013 Conference and Dialogue, sinabi naman ni Regional Police Chief Superintendent Franklin Jesus Bucayu, na tinatawag nila itong “priority areas of concern” dahil malayo pa naman ang election.

Ganunpaman, magsisilbing hamon umano ito sa pulisya lalo’t tatlong lalawingan sa rehiyon ang nakabilang dito kasama na ang Pangasinan, La Union at Ilocus Sur.

Idinagdag pa ni Bucayo hindi umano kailangan na patunayan ng probinsiya kung paano malilinis ang pangalan sa naturang usapin, ang importante lamang aniya ay matiyak na nakaboboto ang mamamayan sa araw ng halalan.

Samantala, nagsasagawa na umano ng preemptive actions ang kapulisan kabilang na ang paghihigpit sa road checkpoints, pagpapalakas ng police visibility, hindi lang sa Pangasinan kundi sa dalawa pang hawak na lalawigan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*