Pagkakabit ng mga Water Pipelines sa Hundred Island Park, sinisimulan na

Sinisimulan na umano ang pagkakabit ng mga Water Pipelines sa ilang major islands sa Hundred Island Park sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan na tatagal naman sa loob ng dalawang buwan.

Ayon kay Alaminos City Mayor Hernani Braganza ang karagdagang proyekto ay tugon sa mga reklamo ng mga turista na nagpupunta sa naturang parke dahil umano sa kawalan ng supply ng malinis na tubig roon.

Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng sampung milyong piso mula sa ayuda ng Philippine Tourism Authtority (PTA), habang ang dalawang milyong piso ay mula naman sa City Government.

Samantala, inihayag naman ni Mayor Braganza na sa lalong madaling panahon ay isusunod na rin nila ang pagkakabit ng solar panels sa major islands ng lungsod para na rin sa mga gustong mag over night stay sa naturang isla. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*