Peace and Development Forum, isinagawa sa Alaminos City

Pinangunahan ng Liberal Party ang isinagawang Peace and Development Forum sa lungsod ng Alaminos bilang bahagi sa adbokasiya ng partido na isulong ang kapayapaan at kaunlaran sa buong lalawigan.

Ayon kay Lian Braganza ang tumatakbong mayor ng Alaminos, ang naturang forum ay pagsasalubong sa dalawang isyu sa lalawigan, ang aspeto sa pagpapatupad ng Peace and Development Scheme.

Dagdag pa ng mayorial candidate, nangunguna ang lungsod ng Alaminos sa pagkakaroon ng Peace and Development, tanda umano rito ang mataas na bilang ng mga naitatalang turista.

Bukod pa rito ang pagkakaroon ng mapayapang sambayanan ng lungsod na isang manipesto kung bakit sa Alaminos unang ginanap ang Peace and Order Forum ng partido.

Samantala, asahan naman umano na magkakaroon pa ng forum sa iba pang mga distrito ng pangasinan upang ibahagi ang layunin hindi lang ng partido kundi ng pamunuan ng Aquino Administration. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*