Pre-pageant ng Miss Earth International, na isasagawa sa Pangasinan, pinaghahandaan na

Pinaghahandaan na ang tanggapan ni Governor Amado T. Espino Jr. ang pagsalubong sa Miss Earth International na kumakatawan sa bawat bansa, kasama ang buong pamunuan ng Provincial Governement.

Nakatakdang bumisita sa lalawigan ng Pangasinan ang mga kandidata sa sabado, November 17 at magtatagal hanggang sa araw ng lunes ngayong taon.

Ang pagbisita ng mga beauties sa lalawigan ay upang maisulong ang kanilang environmental advocacies, suot ang kanilang mga pre-pageant resorts wear at long gowns.

Ayon kay Gov. Espino, ito ang pagkakataon na mai- promote din ng Pangasinan ang pinaka da-best na tourism assets nito at maipakilala ang award-winning environmental programs ng probinsya. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*