Special Recruitment Activity, isasagawa ng PESO Lingayen

Magsasagawa ng isang Special Recruitment Activity ang PESO Lingayen para sa mga nais magtrabaho abroad sa darating na November 9 ngayong taon.

Nangangailangan ngayon ng mga domestic helpers ang bansang Malaysia para sa mga babae na may edad sa pagitan ng 23-38 anyos lamang, atleast 5’1” ang taas at atleast high school graduate.

Ayon kay Alex Ferrer, ang PESO Officer, ang mga interesadong aplikante ay inaasahang magtungo sa Pangasinan PESO Capitol Compound Lingayen Pangasinan.

Sinabi pa ni Ferrer na malaking oportunidad ito sa mga may balak magtrabaho abroad dahil ito’y placement fee, free medical, housing at transportation sa Manila. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*