Supply ng Dagupan Bangus, posibleng maapektuhan ng paglamig ng panahon

Posible umanong umabot sa dalawampung porsyento ang ibababa ng supply at produksiyon ng Dagupan Bangus sa lungsod dahil sa pagdating ng hanging amihan.

Ayon kay Emma Molina, City Agriculturist ng Dagupan, hindi na bago ang ganitong sitawasyon sa produksiyon ng bangus, kaya pinaghahandaan na ito ng mga bangus grower.

Sinabi pa ng opisyal na dahil sa hanging amihan na nagdudulot ng pagbagal ng paglaki ng bangus ay asahan narin ang pagtaas ng presyo nito na aabot sa P150 kada kilo ng bangus.

Samantala, inaasahan pa ang patuloy na pagbaba ng temperature sa susunod na buwan, kaya maaari umanong samantalahin ng bangus grower ang pagpapakiin sa mga ito kapag nakitang matatakaw ang mga alagang isda upang hindi naman maapektuhan ang suplay nito. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*