Tinanggap na Mother of Governance Award, patunay na nasa maayos na pamamahala ang Pangasinan

Iginiit ni Vice Governor Ferdinand Calimlim ng lalawigan ng Pangasinan na nasa mabuting pamamahala, maayos at nasa tamang pamamalakad ang probinsiya sa pangunguna ni Governor Amado Espino Jr.

Ito ay patunay umano sa tinanggap na parangal ng probinsya mula sa Department of Interior and Local Government (DILG), ang Gawad Pamana ng Lahi na tinuturing na Mother of Governance Award.

Binigyan diin pa ni Calimlim na taliwas ito sa mga batikos at balitang may ilang mga irregularidad ang administrasyon ni Gob. Espino.

Ayon pa kay Calimlim, nakikiisa ang lalawigan sa tuwid na daan na ipinangako ng Aquino administration at aniya, mas higit na may alam sa pagsisiyasat at ebalwasyon ang mga legal na mga ahensiya upang masabi na nasa maayos na pamamahala ang lalawigan ng Pangasinan.

Dagdag pa nito, taumbayan na umano ang maghuhusga kung ano talaga ang ginagawa ng lalawigan na pawang kapakanan ng bayan ang inuuna. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*