Vermin organic farming, malaking tulong sa mga magsasaka sa Balungao

Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Balungao, Pangasinan ng isang livelihood training program na suportado umano ng senadora Loren Legarda at Department of Agriculture.

Ayon kay Mayor Philip Peralta, epektibo umano ang naturang livelihood na tinatawag na vermin organic farming, dahil mismong ang lokal na pamahalaan ay kumikita rito.

Malaking tulong aniya ang alternatibong pamamaraan sa pag-aalaga ng mga bulate sa pagpapataba ng lupa para sa magandang pananim o crop productions mula rito.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ng alkalde sa suporta ng kanyang mga nasasakupan na nais umasenso at magkaroon ng sariling mga hanap buhay. ( Report from Maila Calderon – dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*