280 na tolda, ipinamahagi sa mga magsasaka sa bayan ng Manaoag

Umaabot sa 280 na tolda o trapal ang ipinamahagi sa mga magsasaka sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

Ito ay bahagi sa programa ng Farmers Association ng bayan sa pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture Region1.

Malaki naman ang pasasalamat ni Magdalino Andres, pangulo ng farmers association ng bayan sa naturang tolda kung saan malaking tulong umano ito sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Aniya, sa naturang tolda ay makatitiyak na ng kita ang mga magsasaka dahil maibibinta na sa halagang 17.30 sa hindi durog na palay at bababa ng piso kapag tinagurian itong class b o durog na sa halagang 16.30 naman.

Kasabay nito, umapela rin ang mga magsasaka ng naturang bayan sa tanggapan ng da ng karagdagang tolda, solar dryer ng mga palay at proyektong farm to market road. (Report from Allan Tigulo – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*