Bonus ng mga empleyado ng Dagupan City Government, asahan na umano ngayon linggo

Maaasahan na umano ng mga empleyado ng City Government ng Dagupan ang kanilang bonus sa kasalukuyang linggo.

Ayon kay Dagupan City Administrator Vladimir Mata, tapos na umano ang supplemental budget ng lungsod upang bigyan ng karagdagang sahod ng kanilang empleyado.

Makatatanggap ang lahat ng mga empleyado ng lungsod kabilang na ang mga Emergency Workers, Technical Assistants at maging ang regular na mga empleyado nito.

Kasama rito sa mga matatanggap ay ang incentives sa kasalukuyang taon.

Asahan na umano ang anunsiyo ni Dagupan Mayor Benjie Lim para sa maagang pamasko nito sa mga empleyado ng pamahalaan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*