Kakaibang kweba sa Mabini, dinarayo ng mga foreign nationals

Dinarayo ngayon ang isang kakaibang kweba na matatagpuan sa Sto. Rosario sa bayan ng Mabini, Pangasinan.

Dahil dito, mahigpit ang ipinapatupad ngayon na seguridad ng Mabini PNP dahil sa pagdagsa ng mga foreign national upang magpagamot ng kani-kanilang karamdaman.

Halos 100 dayuhan ang nagtungo sa lugar kaya’t todo alerto ang kapulisan upang matiyak na mapapangalagaan ang seguridad ng mga ito.

Nagpakalat na ng ilang tauhan ng PNP sa palibot ng lugar maging sa mga dadaanan patungo upang matiyak na hindi ito samantalahin ng mga masasamang loob. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*