Medical at Dental Mission ng Senior Citizen Partylist sa Sual, matagumpay

Matagumpay ang isinagawang implementation program ng mag-asawang Arquiza na pinangungunahan ni Senior Citizen Partylist Rep. Atty. Godofredo Villar Arquiza at ang maybahay nito na si Remedios Arquiza sa mismong residential area nito sa 167 tatakin St. Pobacion Sual, Pangasinan.

Ayon kay Atty. Aquiza, dumagsa na aabot sa isang libong mamamayan ang magpupunta sa kanilang tahanan upang mabigyan ng serbisyong medical at iba pang mga serbisyo publiko.

Galing pa umano ng metro manila ang mga doctor na kokonsulta sa mga ito para masiguro ang kanilang kondisyon.

Bukod sa naturang medical at dental mission, marami pa umanong proyekto ang mag-asawa para sa mga mahihirap na residente lalo’t higit sa mga senior citizen. (Report from Jovelyn Dacuycuy – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*