Pagkakadis-qualify ng Senior Citizen Partylist, ilalaban ni Arquiza

Inaasahan na umano ng Senior Citizen Partylist ang Temporary Restraining Order (TRO) ng kanilang grupo, ito’y dahil sa pagkakabilang nila sa mga hindi makasasabay sa mga tatakbo sa 2013 midterm elections.

Sa panayam ng sonshienradio, sinabi ni Rep. Atty. Godofredo Arquiza na patunay lamang umano ito na may panig sa kanila ang korte taliwas sa kawalan umano ng pagkilala ng Comelec sa kanila.

Batay sa tala, umaabot sa 7.5 million na ang mga Senior Citizens sa bansa ang beneficiaries ng grupo habang may mahigit 150,000 ang senior citizens sa Pangasinan na nakikinabang sa mga isinusulong na mga programa ni Atty. Arquiza.

Kaya naman apela ng Senior Citizen Partylist Reperesentative na sana ay mabigyan ng pagkakataon ang grupo nila na malaki umano ang tulong at benepisyo nito sa mga ito.

Dagdag pa nito, kung pipilayin ang kanilang grupo ay sino na lang umano ang magpapatuloy sa pag-aalay sa mga senior na ito sa bansa. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*