POSO Dagupan at CDRRMC, handa na sa pagsisimula ng City Fiesta ng Dagupan

Handang handa na ang Public and Order and Safety Office (POSO) at the City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng Dagupan na pangasiwaan ang pagpapanatili sa kaayusan at kaligtasan ng mga bisita sa pagsisimula ng City Fiesta ng syudad.

Ayon kay POSO Chief Robert Erfe-Mejia, nagtalaga na siya ng mga POSO Personnel, kasama ang mga local police, upang bantayan ang kaayusan ng lungsod.

Payo ni Mejia sa mga bisita na sumakay lamang sa mga rehistradong pampasaherong sasakyan at malalaman ito dahil meron silang sticker number.

Kung meron umanong reklamong nais iparating ay agad isumbong sa mga poso na pinakamalapit sa inyo basta’t tandaan lang ang sticker number ng nasabing sasakyan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*