Provincial Government, nagbigay pugay sa namayapang dating governor ng Pangasinan

Nagbigay ng isang pagpupugay ang sangguniang panlalawigan ng Pangasinan sa Provincial Capitol sa tinaguriang father of the province na si dating Pangasinan Governor Atty. Cipriano B. Premicias Jr.

Nagbigay ng kani-kanilang mga eulogies ang mismong governor na si Gov. Amado Espino Jr at SP Member Alfonso Bince.

Nagpahayag rin ng kanyang pasasalamat si Maria Elena Fe Van Tooren sa ngalan ng Primicias Family.

Si Atty. Cipriano Primicias Jr, ay nagsilbing gobernador mula 1967 hanggang 1971 at nagsilbi ring Congressman ng third district mula 1957 hanggang 1967.

Isa ang hundred islands sa mga proyekto na binuksan at ipinakilala ni Primicias noong nasa katungkulan pa ito. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*