San Roque Power Corp., namahagi ng libo-libong libro

Namahagi ng mahigit siyam na libong libro ang San Roque Power Corp (SRPC) bilang bahagi sa education governance programs nito.

Naniniwala ang SRPC na ang edukasyon ang pinakamagandang solusyon upang maiahon sa kahirapan ang mga mamamayan.

Sinabi ni Engr. Tom Valdez, SRPC Vice President for Corporate Affairs, kaakibat nila ang Synergeia Foundation at ng Department of Education para maibahagi ang mga kaalaman sa mga bata, mga magulang at maging sa mga guro mula sa mga bayan ng San Manuel at San Nicolas, Pangasinan at Itogon, Benguet – ang mga komunidad na sakop ng San Roque Dam.

Kasunod nito ang pinasinayaan ang mga day-care centers kasama na ang Laklak Creek Retaining Wall sa Barangay Camangaan; pagkukumpuni ng five-classroom building sa Barangay Bobon; at pagpapatayo ng one-classroom building sa mga Barangay ng Bomboaya at Don Cristobal. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*