Tri-City Ferry System, patuloy na isinusulong ni Mayor Lim

Pinaplano ngayon ni Mayor Benjamin S. Lim na gawing annex o bahagi ng Metro Dagupan ang bayan ng San Fabian para mas lalong mapaunlad umano ang dalawang Local Government Units.

Kinakailangan umanong mapalawak ang syudad upang matugunan ang banta ng climate change.

Ang pagsasanib ng Dagupan at San Fabian ay napapanahon din umano para sa napipintong pagbubukas ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) na magiging gateway ng mga turista mula sa Clark International Airport papuntang Dagupan-San Fabian Metropolis.

Pinaplano din ni Mayor Lim ang gagawing Tri-City Ferry System na kokonekta sa syudad ng Alaminos, ang tahanan ng famous National Attraction Hundred Islands, at ang lungsod ng San Fernando La Union. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*