Tunay na motibo sa pagpaslang kay Infanta Mayor Ruperto Martinez, inaalam pa ng mga imbestigador

Kaagad na bumuo ng Special Investigation Task Group ang Pangasinan PNP na pamumunuan mismo ni S/Supt. Mariano Luiz Versoza, OIC PNP Provincial Director sa lalawigan ng Pangasinan, kaugnay sa pagpaslang kay Infanta Mayor Ruperto Martinez at katuwang nila ang Criminal Investigation and Detection Group.

Aminado si Versoza, na may bahid ng pulitika sa pagpaslang sa alkalde. Pero tinitignan din umano nila ang isa pang anggulo na mariing pagtutol sa ipinatayong Mining Port sa barangay Cato.

Ayon kay Versoza, iimbestigahan nilang maigi ang pangyayari upang matumbok ang tunay na motibo ng pagpatay sa alkalde

Samantala, walang impormasyon si Versoza na may banta sa buhay si Martinez at mismong ang alkalde ay kampante kaya hindi na siya naghangad ng bodyguard. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*