Annual budget ng bayan ng Mabini, aprubado na

Naaprubahan na ang annual budget ng lokal na pamahalan ng Mabini, Pangasinan.

Ayon kay Municipal Budget Officer Rizalina Balmania, umaabot sa P64M ang naturang budget na nakatakdang ilaan sa ibat-ibang proyekto ng bayan.

Ilan sa mga bibigyang prayoridad rito ang Brgy. Road Projects, Post Harvest Facilities, rehabilitasyon sa mga pangunahing struktura gaya ng munisipyo, palengke, salaughter house, edukasyon atbp.

Idinagdag pa ni Balmania na may ilang proyekto pa na ipinagpapatuloy sa ngayon, may ilan rin na bagong proyekto na inaasahan naman matatamasa ng mamamayan ng bayan ng Mabini. (Report from Jovelyn D. – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*