Balungao, kinilala bilang greenest and Cleanest town

MULING itinanghal ang bayan ng Balungao, Pangasinan bilang greenest and cleanest town sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito na umano ang ikalawang pagkakataon na kinilala ang bayan ng Balungao sa naturang kategorya.

Ayon kay Mayor Philip Peralta, malaki ang naging tulong kanilang programa sa tamang segragation ng mga basura partikular na sa mga nabubulok na basura na ginagamit nila bilang isang pataba o fertilizer.

Samantala, kinilala rin ang bayan bilang most efficient in tax collection para naman sa regional category.

Paalala pa ni Mayor Peralta, tuloy-tuloy lang ang kanilang adbokasiya sa pagiging magaling sa naturang programa. (Report from Maila Calderon – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*