Mga tindera sa Mcadore Building, binigyan na ang dalawang linggong palugit para lisanin ang lugar

Nagbigay na ng dalawang linggong palugit ang Dagupan City Government para lisanin ng mga negosyanteng nakapwesto sa nasasakupan ng naibentang Mcadore Property.

Ito’y kasunod narin ng sinimulang tagging system at pagsasa-ayos ng Galvan at Maningas Market na syang paglilipat ng mga tindera para sa kanilang bagong pwesto.

Kasabay nito, tinitiyak naman ni Dagupan City Mayor Benjie Lim na magiging maayos ang paglilipatan ang mga negosyante dahil mas malawak at maalwan ang lugar.

Una rito, pormal nang nagkabentahan ang City Government ng Dagupan at ang nanalong bidder, ang AMB ALC Holdings & Management Corporation kung saan naibigay na ang full payment sa halagang P119M. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*