MOA Signing para sa gaganaping PRISAA Games sa Pangasinan, isinagawa

PINANGUNAHAN muli ng lalawigan ng Pangasinan at Private Schools Athletic Association (PRISAA) Region 1 ang MOA Signing para sa nalalapit ng PRISAA Games sa darating na Feb 11-16, 2013.

Gaganapin ang naturang PRISAA Games sa Narciso Sports Complex, sa bayan ng Lingayen, Pangasinan kung saan ito na umano ang pangalawang pagkakataon na magho-host ang lalawigan.

Taong 2006 noong ginanap ang unang PRISAA sa lalawigan.

Pinangunahan ni Prov. Admin Raffy Baraan at Atty. Gonzalo Duque ang kasunduan sa panig naman ng PRISAA at ng probinsiya.

Samantala, tinatayang nasa lima hanggang anim na libong delegado ang inaasahang dadagsa sa lalawigan at tiniyak naman ito ng probinsiya na magiging maayos at matagumpay ang naturang pagdaraos. (Report from Roger Codnita – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*