Pagkaka-udlot ng SOPA, dahil umano sa busy schedule ni Gov. Espino

Nakansela ang umano’y State of the Province Address (SOPA) ni Pangasinan Governor Amado T. Espino Jr., na sanay nakatakda ganapin nitong nakaraang Lunes, Enero a-bente otso ngayong taon.

Itoy dahil umano sa sunod-sunod na commitment ng gobernador sa ibat-ibang programa at pag-iikot sa ibat-ibang bayan ng probinsiya.

Sa kabila nito, sinabi ni Provincial Informatio Officer, Butch Velasco, na maliban sa dami ng trabaho ngayon ng gobernador ay asahan naman na matutuloy ang sopa ng gobernador sa ika-18 buwan ng pebrero.

Kasabay nito, pinabulaanan naman ni Velasco ang balitang suspendido ang gobernador kaya naudlot ang SOPA nito. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*