Pagpapatayo ng Golf Course sa Lingayen, muling naantala

Matapos makakuha ng ECC o Environmental Compliance Certificate ang probinsya ng Pangasinan sa pagpapatayo sa Golf Course Project, isa nanamang hakbang ang aantala rito, ang Zoning Clearance at Development Permit.

Ayon sa kay Engr. Alvin Bigay, ang Provincial Housing and Development Officer ng Pangasinan, kailangan munang kumuha ng nasabing mga certificate ang probinsya para sa tuluyang pagsasagawa ng proyekto.

Matatandaang hindi naging madali ang pagpasa ng naturang golf course sa bayan ng Lingayen dahil sa dami ng tinamo nitong mga batikos.

Gayunman positibo pa rin ang probinsiya sa pagpapatuloy royekto at handa umano nilang aksiyunan ang bagong inilabas na alituntunin. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*