Planong pagsasapribado ng Seafood Processing Plant, pinabulaanan

PINABULAANAN ni Dagupan City Mayor Benjie Lim ang aligasyon balak niyang iprivatize ang Seafood Processing Plant na matatagpuan sa Bunuan Binloc.

Nilinaw ni Mayor Lim, na tanging ang naging suhestiyon niya ay humanap ng kaukulang korporasyon sa magpapatakbo ng naturang planta ngunit hindi ang ipagbili ito.

Idinagdag pa ng alkalde na kikita pa rin ang siyudad sa pamamagitan ng renta, komisyon at iba pang maaaring makuhang benepisyo sa pagbibigay ng otoridad sa isang grupong kayang patakbuhin ang planta.

Samantala, mananatiling nasa superbisyon pa rin aniya ito ng city government ng Dagupan at BFAR bilang mangunguna sa pangangalap ng posibleng magpapatakbo sa planta. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*