Political Dynasty, hindi pa umano maaaring buwagin

HINDI pa umano maaring buwagin ang political dynasty hanggat hindi pa ito konkretong naisasaad sa batas.

Ito ang bibigyang linaw ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr, sa kanyang pagdalo sa pagbubukas ng (Kapihan sa Ilocus) ang bagong programa ng Philippine Informaton Agency sa lalawigan ng La Union.

Sinabi ni Coloma na matagal nang kinuwestiyon ang magkakapamilyang pulitiko sa bansa na nagiging mitya diumano ng korapsiyon sa kapangyarihan at kayamanan.

Ayon pa kay Coloma, mas mainam kung maipapaabot ito sa mga mambabatas upang mabago ang probisyon sa saligang batas at ipagbawal sa mga pulitikong magkakamag-anak.

Matatandaang, lantarang halos magkakamag-anak ang mga nasa pwesto sa gobyerno mula senado hanggang sa lokal na gobyerno. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*