Computer skill in wheels, patok sa 4th district ng Pangasinan

Malaking tulong sa mga residente ng ika-apat na distrito ng Pangasinan ang Computer Skills in Wheels na isa sa programa ni Congresswoman Manay Gina De Venecia.

Sa katunayan halos anim na raan ang nagtapos rito sa nakaraang buwan na aprubado naman ng TESDA.

Ang naturang education on wheels ay nagtuturo ng basic computer skill training na mahalaga aniya para makapaghanap ng trabaho pagkatapos ng isang linggong pagsasanay.

Bukas naman ito sa lahat, walang age limit at libre ito sa may nais sumailalim sa naturang training.

Umiikot at nagtatagal ng isang lilnggo sa kada barangay ang computer skills on wheels ni Manay Gina at asahang dadayo ito sa Brgy. Caranglaan Dagupan City. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*