Ibat-ibang job opportunities, naghihintay sa mga Pangasinense

Mas maraming trabaho ang naghihintay ngayon sa mga pangasinense matapos ang pagbisita sa lalawigan ni Alexander Edades Asuncion ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

Ayon kay Asuncion na tubong San quintin, Pangasinan, nakapagtatag na sila ng TESDA Center katuwang ang Provincial Employment Services Office (PESO) para ibigay ang mga job opportunities sa mga interesadong makakuha ng trabaho.

Sinabi pa ni Asuncion, na ilan sa mga Japan-Based Agencies ang nagpahayag ng kanilang interes na mag-hire ng mga filipino farmers na magtrabaho sa bansang Japan.

Ang mga magsasaka aniyang mapipili na magtrabaho sa japan ay matuturuan ng Technology-Based Farming Methods na maaaring itong maibahagi sa mga magsasaka dito sa Pangasinan sa kanilang pag-uwi. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*