Ilegasyon ipinagkait ang mgadokumento ng Alaminos City, pinabulaanan

Pinabulaanan ni Alaminos City Administrator Wilmer Panabang na ipinagkakait nito ang mga dokumento ng siyudad.

Itoy matapos masabon si Panabang at buong munisipyo ng ilang mga kagawad ng media dahil sa hindi pagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga alegasyong unliquidated na cash advances ng City Mayor Hernani Braganza.

Ayon kay Panabang, ang mga papeles ng siyudad ay bukas sa lahat ngunit hindi para sa mga investigating team na siyang nangangailangan ng ebidensiya dahil hindi umano basta-basta na ilalabas ang mga ito sa hindi otorisadong personalidad.

Matatandaang naghain ng request for inquiry ang labin isang kapitanes ng siyudad dahil sa diumanoy ghost projects ni Mayor Braganza na mahigpit namang pinabulaanan ni Panabang. (Report from Roger Codnita – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*