Iligal na tupada sa Dagupan, binabantayan

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Dagupan PNP ang ibat-ibang na aktibidad na isinasagawa sa lungsod kabilang na ang iligal na tupada.

Ayon kay Dagupan PNP Chief P/Supt. Christopher Abrajano, walang pakialam ang pulisya kung ano at saan napupunta ang pondong malilikom mula rito ang importante aniya ay maipatupad nila ang ipina-iiral na batas.

Maituturing umanong iligal na sugal ang tupada o sabong kayat ito ay hindi nila palalampasin alinsunod na rin sa mandato ni mayor benjie lim.

Samantala, nagpapatuloy naman umano ang kampanya ng Dagupan PNP laban sa mga illegal drug sa lungsod na una nang simulan ito ni dating PNP Chief P/Supt. Romeo Caramat. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*