Livelihood Assistance ng OWWA Region1, nagpapatuloy

Mahigit isang daang Overseas Filipino Workers (OFW) sa buong Region 1 ang tumanggap ng livelihood assistance sa pamamagitan ng National Reintegration Center for OFW, isang programa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1 Office.

Ayon kay Amapola Villar, ang Labor Communication Officer ng OWWA, mula Enero 14- hanggang Pebrero 11 ngayong taon, tumanggap ng tig-sampung libong piso ang isang daan limampu’t pitong disressed migrant workers.

Ipinaliwanag ni Villar, na ang mga ito ay mga OFW na hindi nakapagtapos ng kanilang kontrata dahil sa mga hindi maiwasang sitwasyon sa lugar na kanilang pinanggalingan, kabilang na dito ang anim na OFW’S sa bayan ng Bani Pangasinan.

Gagamitin ang naturang pera para maka pag-umpisa ang mga napiling benepisaryo at sila ay sasailalim sa Entrepreneurial Development Training na pinangunahan ng OWWA at sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI). (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*