Voluntary Blood Donations, patuloy na isinusulong

Isinusulong ngayon ng bagong tatag na CBCC o City Blood Coordinating Council ang Voluntary Blood Donations sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Dr. Vicente Bernardo ng CBCC, malaking hamon ito sa kanilang grupo upang mahikayat ang publiko na makiisa sa pagbibigay ng dugo.

Ito’y kasunod nang kanyang pag-amin na may kakulangan ang Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter sa imbak ng dugo dahil narin sa kahirapan ng pangangalap ng donors.

Idinagdag ni Bernardo na may malaking benepisyo naman ang pagdo-donate, maliban sa makalilinis ito sa sirkulasyon ng dugo ay makapagsasalba rin ito sa buhay ng tao.

Samantala, mabibigyan rin ng kaukulang prayoridad ang sinumang magbibigay ng dugo oras na mangailangan ito sa di inaasahang insidente. (dzrd news center)

Speak Your Mind

*