4Ps, tinututukan sa bayan ng San Jacinto

Nakatutok ngayon ang Municipal Social Welfare Development ng San Jacinto Pangasinan para sa nagpapatuloy na programa ng 4ps o Pantawid Pamilya Pilino Program.

Ayon kay Social Welfare Assistant Divina Grace Acierto, patuloy ang pagsasagawa ng monitoring sa mga mahihirap na pamilya sa naturang bayan.

Kaugnay nito isang taunang survey ang ginagawa ng MSWD para matukoy ag mga hindi pa napapabilang sa programa at mabigyan ng pagkakataong maging bahagi ito sa pag-angat ng kanilang kalagayan.

May mahigit sa isang libong pamilya na umano ang nasa lehitimong listahan ng programa sa bayan ng San Jacinto at inaasahang madaragdagan sa susunod pang mga araw. (Report from Genevive Ocampo – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*