Bangus sa Dagupan, pwersahang iniahon ng mga fish pond operators

Ilang may-ari ng fishpond sa lungsod ng Dagupan ang pwersahang nag-ahon ng kanilang isdang bangus kahit ito ay malliit pa dahil sa pangambang magkakaroon ng fishkill dahil sa “thermal shock.”

Ayon kay Dr. Westly Rosario, chief ng National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC), nagkaroon ng pwersahang pag-aahon ng mga bangus dahil na obserbahan na nila ito na apektado na ang paghinga ng mga nasabing isda.

Sinabi ni Rosario na ang thermal shock ay nangyayari dulot ng sudden change ng temperatura mula sa mainit na tubig at biglang lamig nito.

Ang biglang pagbuhus ng ulan ay nangyari sa gabi kaya malaking epekto ito sa tubig ng kung saan libong bangus ang nakalagay dito.

Sinabi pa ni Rosario, na bumaba na ang oxygen ng mga fish pens  malapit sa Dagupan rivers.  (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*