BM Shahani, buo ang suporta sa Gov. Espino

Mataas pa rin umano ang tiwala at respeto ni 6th District Board Member Ranjit Shahani kay Pangasinan Governor Amado Espino Jr., sa kabila ng pagiging kritiko nito sa nakaraang mga taon.

Hindi rin umanong magandang diskripsiyon na sabihan siyang balimbing ng ilan rin kritiko dahil sa pagbaliktad ng suporta nito sa gobernador.

Paliwanag pa ng bokal na naging patas pa rin siya sa pagiging kritiko nito sa gobernador partikular na sa nagpapatuloy na Golf Course Project nito noong hindi pa nabibigyan ng Environmental Clearance Certificate o ECC ang proyekto.

Naging pangamba lang nito ang hindi pagkakapruba ng proyekto mula sa Depertment of Environment ang Natural Resources o DENR.

Sa ngayon ay hindi na umano mababago ang suporta nito kay Gov. Espino bagaman itinuturing na pinsan nito ang makakalaban ng gobernador na si Alaminos Mayor Hernani Braganza.

Speak Your Mind

*