Dagupan Seafood Processing Plant, abot kamay na ang foreign markets

Malaki ang posibilidad ng Dagupan Seafood Processing Plant na magarantiyahan ng Hazard Analysis and Critical Control Point o HACPP ngayong taon.

Ayon kay NIFTDC Chief Dr. Westly Rosario, maaaring mapasakamay ng naturang processing plant ang prebilihiyong nabanggit mula sa operasyon nito sa dagupan bangus at maging sa processed shrimpd o hipon na nai-export na rin sa labas ng bansa.

Ang naturang akreditasyon ay siya rin umanong magbibigay daan sa pagbubukas ng mga foreign markets gaya ng sa Amerika at iba pang panig ng mundo sa pagpapakilala nito sa produktong dagupenyo.

Ang HACPP ay nasa ilalim ngĀ  Food and Drug Administration ng U.S.A kaakibat nito ang Food and Agriculture Organization at World Health Organization.

Malaki rin ang paglingon ni Rosario sa NIFTDC dahil isa itong pagkakataong maibahagi ang lokal na pangisdaan ng Pangasinan hindi ang sa bansa kundi sa ibayong dagat. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*