Mga iligal fishpens, nagsulputan sa kailugang sakop ng Dagupan

Dalawamput limang katao na nag mamay-ari ng mga iligal na fish pens sa kailugan ng Dagupan ang nabigyan ngayon ng warning ng Department of Agriculture ng Dagupan City, Pangasinan.

Ayon kay Manuel Gutierrez, head ng River and Coastal Management Unit, ilan sa mga fish pens owners ang nakita sa lugar ng sitio Tokok-Talaib, habang ang iba ay sa Calmay River na kilalang Sabangan sa bahagi ng boundery ng Dagupan-Lingayen sa Brgy. Lucao

Binigyang diin pa ni Gutierrez na seryoso ang River and Coastal Management Unit sa pagbabaklas sa mga iligal na struktura sa mga kailugan ng dagupan.

Samantala, binigyan naman ng palugit ang naturang instraktura ng City Government hanggang sa buwan ng Abril pagkatapos ng kanilang pagharvest ng bangus. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*